02/04/2026
Lightweight vs heavy weight 😅
📌GOLD BUYERS TIPS📌
What you pay is what you get😄
Pag gusto makapal kapalan din po Ang pera ganern 😅 mga 50k 😂
O Kung gusto makapal dun sa shopee may Tig 200 fake nga Lang 😂
Para sa mga 1st time buyer at nagbabalak mag invest sa gold. Mag research po muna, nood sa you tube at magbasa kung ano ba mga klaseng gold ang dapat at worth it na bilhin.
📌Eto pakibasa po ng maigi ☺️ Mahaba po pero may matututunan kayo.
👉Sa mga lightweight like 2grams below. Kaya nga po tinawag na lightweight kasi magaan na, mura pa. Halos karamihan ng lightweight PER PIECE ang bentahan ng mga seller dahil ang ibang items na LIGHTWEIGHT ay per piece din binebenta ng mga manufacturer or suppliers.. Sa liit po ng mga detalye ng mga lightweight mas mabusisi po yan gawin at mas mahirap gawin.. yun po yung tinatawag na CRAFTMANSHIP. Huwag po magrereklamo sa mga nabilhan nyo na "ang pangit ng quality, manipis, nayuyupi , madali maputol".
Huwag po ganun kasi unang una, choice nyo po yan. Yan ang kaya ng budget nyo, yan ang hinanap nyo kaya yan ang binili at binigay sa inyo. Kung gusto nyo po ng matibay at pang harabas, invest tayo sa mataas na grams. Pero yang mga lightweight na yan, hindi ibig sabihin sira agad, dahil ako mismo nagsusuot ng mga lightweight or dainty kung tawagin dahil uso din ang mga dainty styles ngaun.
👉FYI po ang mga dainty styles yan po ang uso ngayon kaya sobrang mabenta po nyan. Dahil pang aura yarn ibat iba ang design ng mga alahas mo. Nasa sa atin yan kung paano natin gagamitin.
👉At sympre, huwag expect na mataas value nyan sa sanglaan kasi mura nyo nabili yan kaya for sure mura din sangla nyan.
👉Lastly, magkaiba ang presyo sa seller at sanglaan. Hindi po talaga same ang presyo nyan kasi kung ipapantay ni pawnshop ang per gram nila sa mga seller, eh di hindi na sila kikita. At laging may bawas sa timbang ng mababang mababa lang.
✍️Advice lang din po, kung malaki naman ang budget mo at kailangan mo ay pangharabas dun ka sa per gram bumili.
Kapalan din ang budget.
Credit to the rightful owner of this post🫰🏻