Nuestra Señora De Los Desamparados De Siniloan

Nuestra Señora De Los Desamparados De Siniloan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Nuestra Señora De Los Desamparados De Siniloan, Siniloan.

18/05/2026

𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟏𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐛𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠-𝐀𝐦𝐩𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐧𝐢𝐥𝐨𝐚𝐧

Balikan ng tanaw ang ilan sa mga nakakat’wang kaganapan nitong nakaraang linggo, araw ng mga Ina, kung kailan ipinagdiwang ang 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐒𝐞ñ𝐨𝐫𝐚 𝐝𝐞 𝐥𝐨𝐬 𝐃𝐞𝐬𝐚𝐦𝐩𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐬.

Maraming salamat sa lahat ng mga debotong nakiisa sa sinimulang tradisyong ito, lalong lalo na yaong mga nagmula pa sa mga karatig-bayan at lalawigan na naglaan ng kanilang mga oras para magpamalas ng kani-kanilang debosyon para sa Mahal na Birhen. Maraming salamat din sa mga taong lumabas ng kanilang mga tahanan para manood ng maringal na prusisyon, at yaong mga nagsindi ng kandila’t nag-alay ng kanilang mga panalangin nang dumaan ang Mahal na Birhen at ang kanyang Esposo sa kanilang mga kalye.

𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐥𝐚 𝐕𝐢𝐫𝐠𝐞𝐧!






𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟏𝟐 | 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐒𝐞ñ𝐨𝐫𝐚 𝐝𝐞 𝐥𝐨𝐬 𝐃𝐞𝐬𝐚𝐦𝐩𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐬 "𝐀𝐦𝐩𝐚𝐫𝐨" 𝐝𝐞 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚Sa pagdiriwang ngayong araw ng kapistahan n...
12/05/2026

𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟏𝟐 | 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐒𝐞ñ𝐨𝐫𝐚 𝐝𝐞 𝐥𝐨𝐬 𝐃𝐞𝐬𝐚𝐦𝐩𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐬 "𝐀𝐦𝐩𝐚𝐫𝐨" 𝐝𝐞 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚

Sa pagdiriwang ngayong araw ng kapistahan ng 𝐋𝐚 𝐆𝐨𝐛𝐞𝐫𝐧𝐚𝐝𝐨𝐫𝐚 𝐝𝐞 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚, amin ding binabati ang 𝐒𝐭𝐨. 𝐍𝐢ñ𝐨 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬 𝐀𝐦𝐩𝐚𝐫𝐨 mula sa 𝐏𝐚𝐧𝐝𝐢𝐲𝐨𝐬𝐞𝐬𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐃𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐒𝐞ñ𝐨𝐫𝐚 𝐝𝐞𝐥 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐑𝐨𝐬𝐚𝐫𝐢𝐨 𝐝𝐞 𝐒𝐚𝐩𝐚𝐨 𝐬𝐚 𝐂𝐚𝐫𝐝𝐨𝐧𝐚, 𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥. Ang 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐍𝐢ñ𝐨 "𝐀𝐦𝐩𝐚𝐫𝐨" ay dumalaw at sumama sa kabuoan ng pagdiriwang ng 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐛𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠-𝐚𝐦𝐩𝐨𝐧 sa bayan ng Siniloan nitong nagdaang linggo.

Taos-pusong pasasalamat ang alay namin sa 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚 𝐎𝐜𝐚𝐦𝐩𝐨-𝐏𝐢𝐥𝐚𝐩𝐢𝐥 na siyang nangangalaga sa munting imahen ng Mahal na Niño sa kanilang pagpapaunlak sa aming imbitasyon, at nawa'y suklian pa ng Panginoon at ng ating Mahal na Ina ang kanilang kabutihang-loob.

𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐒𝐭𝐨. 𝐍𝐢ñ𝐨 𝐀𝐦𝐩𝐚𝐫𝐨!
𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐋𝐚 𝐕𝐢𝐫𝐠𝐞𝐧!






11/05/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 |

𝐌𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐫𝐮𝐬𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 sa 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠-𝐚𝐦𝐩𝐨𝐧 kasama ang imahen ng 𝐏𝐚𝐭𝐫𝐢𝐚𝐫𝐤𝐚 𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞, esposo ng Mahal na Birhen.

𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐥𝐚 𝐕𝐢𝐫𝐠𝐞𝐧!






11/05/2026

𝐓𝐫𝐚𝐝𝐢𝐬𝐲𝐮𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐝𝐮𝐚𝐧

𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐥𝐚 𝐕𝐢𝐫𝐠𝐞𝐧!






10/05/2026

𝐏𝐚𝐚𝐧𝐲𝐚𝐲𝐚 |

Atin pong muling samahan ang 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐛𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠-𝐀𝐦𝐩𝐨𝐧 sa Kanyang muling paglibot sa mga piling kalye sa bayan ng Siniloan bilang pagdiriwang ng Kanyang 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 ngayong araw.

Sama sama tayong mag-alay ng panalangin, pati na rin ng pasasalamat sa Kanyang palagiang pagkupkop at pag-ampon sa ating mga anak Niya.

Narito ang 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐨𝐫𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐠𝐚𝐰𝐚𝐢𝐧 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐧𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧:
𝟐:𝟎𝟎 𝐍.𝐇. - Sunduan (tahanan ng camarero ni San Jose, Esposo de Maria, patungong tahanan ng Mahal na Birhen)
𝟑:𝟎𝟎 𝐍.𝐇. - Banal na Misa
𝟒:𝟑𝟎 𝐍.𝐇. - Maringal na Prusisyon

𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐥𝐚 𝐕𝐢𝐫𝐠𝐞𝐧!






𝐅𝐢𝐞𝐬𝐭𝐚 𝐑𝐞𝐠𝐚𝐥𝐢𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔Masdan ang bihis ng 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐛𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠-𝐀𝐦𝐩𝐨𝐧, 𝐍𝐮𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐒𝐞ñ𝐨𝐫𝐚 𝐝𝐞 𝐥𝐨𝐬 𝐃𝐞𝐬𝐚𝐦𝐩𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐬, para ...
09/05/2026

𝐅𝐢𝐞𝐬𝐭𝐚 𝐑𝐞𝐠𝐚𝐥𝐢𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔

Masdan ang bihis ng 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐛𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠-𝐀𝐦𝐩𝐨𝐧, 𝐍𝐮𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐒𝐞ñ𝐨𝐫𝐚 𝐝𝐞 𝐥𝐨𝐬 𝐃𝐞𝐬𝐚𝐦𝐩𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨𝐬, para sa maringal na prusisyong gaganapin bukas bilang paggunita sa Kanyang Dakilang Kapistahan.

𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐥𝐚 𝐕𝐢𝐫𝐠𝐞𝐧!






𝐈𝐤𝐚𝐬𝐢𝐲𝐚𝐦 𝐧𝐚 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐍𝐨𝐛𝐞𝐧𝐚: 𝐋𝐮𝐳 𝐄𝐁𝐀𝐍𝐆𝐇𝐄𝐋𝐘𝐎𝐄𝐛𝐚𝐧𝐠𝐡𝐞𝐥𝐲𝐨 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 (𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 𝟏:𝟒𝟔-𝟒𝟗) At sinabi ni Maria, “Ang puso ko...
09/05/2026

𝐈𝐤𝐚𝐬𝐢𝐲𝐚𝐦 𝐧𝐚 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐍𝐨𝐛𝐞𝐧𝐚: 𝐋𝐮𝐳

𝐄𝐁𝐀𝐍𝐆𝐇𝐄𝐋𝐘𝐎
𝐄𝐛𝐚𝐧𝐠𝐡𝐞𝐥𝐲𝐨 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 (𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 𝟏:𝟒𝟔-𝟒𝟗)

At sinabi ni Maria,

“Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas, sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong pinagpala; dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Banal ang kanyang pangalan!

𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀-𝐒𝐈𝐘𝐀𝐌 𝐍𝐀 𝐀𝐑𝐀𝐖

O Kamahal-mahalang Maria, maningning at maliwanag na ilaw! Ang tinutukoy na Babaeng Nararamtan ng Araw! Ang talampakan mo ay naka-tungtong sa maliwanag na buwan at ang ulo Mo ay nakokoronahan Labindalawang Bituin. Ikaw na inihahalintulad sa kagandahan ng buwan, Ipakita mo amin ang kagandahan ng iyong puso. Patikimin mo ng matamis na sinag ng iyong awa, kaming nasasadlak sa kadiliman nitong mundo at sa ilalim ng kamatayan. Itinakda na ang buwan ay sumisikat hindi sa araw kundi sa gabi at nang ang Kanyang liwanag ang siyang magtaboy sa dilim ng gabi. Tunay nga na ang ningning ng bituin ang siyang nagiging gabay ng mga naglalakbay sa gabi upang hindi maligaw. Kaya nga ikaw na maliwanag pa sa buwan, Ang Bituing Maningning na aming nilalapitan. Tulungan Mo kami sa mga panahong hindi namin alam ang aming gagawin. Kapag napapalaot ang mga mangingisda, ang parola ang nagbibigay ng ilaw para maging gabay nang makabalik nang ligtas sa dalampasigan. Ikaw sana ang maging aming parola ng kaliwanagan ngayong kami ay napapalaot sa dagat ng buhay ng mundo. Bigyan mo kami ng pag-asang makabalik ng ligtas sa iyong piling, At sa piling ng aming Panginoong Jesukristo. Ang buhay na nasa Iyo ay ang buhay na ilaw ng mga tao. Halina, Dakilang Taga-aliw, Espiritu ng Kaliwanagan at Pag-ibig! Liwanagan Mo ang aming pag-iisip, puso at kalooban nang taglayin namin ang pag-ibig na malinis at karapat-dapat sa Iyo Tanda ng katapatan sa Iyong Anak na si Jesus at nang maging marapat kami sa pagkakamit ng mga biyayang aming hinihiling sa ikagagaling ng aming kaluluwa at katawan at para na rin sa lubos na ikaluluwalhati ni Jesukristo na aming Panginoon magpasawalang- Hanggan. Amen.

𝐀𝐌𝐀 𝐍𝐀𝐌𝐈𝐍
𝐀𝐁𝐀 𝐆𝐈𝐍𝐎𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀
𝐋𝐔𝐖𝐀𝐋𝐇𝐀𝐓𝐈






𝐈𝐤𝐚𝐰𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐍𝐨𝐛𝐞𝐧𝐚: 𝐑𝐞𝐦𝐞𝐝𝐢𝐨 𝐄𝐁𝐀𝐍𝐆𝐇𝐄𝐋𝐘𝐎𝐄𝐛𝐚𝐧𝐠𝐡𝐞𝐥𝐲𝐨 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐮𝐚𝐧 (𝐉𝐮𝐚𝐧 𝟐:𝟏-𝟓) Nang ikatlong araw, may kasalan sa...
08/05/2026

𝐈𝐤𝐚𝐰𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐍𝐨𝐛𝐞𝐧𝐚: 𝐑𝐞𝐦𝐞𝐝𝐢𝐨

𝐄𝐁𝐀𝐍𝐆𝐇𝐄𝐋𝐘𝐎
𝐄𝐛𝐚𝐧𝐠𝐡𝐞𝐥𝐲𝐨 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐮𝐚𝐧 (𝐉𝐮𝐚𝐧 𝟐:𝟏-𝟓)

Nang ikatlong araw, may kasalan sa Cana sa Galilea, at naroon ang ina ni Jesus. Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan. Naubos ang alak, kaya't sinabi ng ina ni Jesus sa kanya, “Anak, wala na silang alak.”

Sinabi ni Jesus, “Ipaubaya na lang po ninyo ito sa akin, Ginang. Hindi pa ito ang aking tamang oras.”

Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.”

𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀-𝐖𝐀𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖

O Kamahal-mahalang Maria, lubhang mabisang lunas sa mga sakit ng sangkatauhan! Totoong kahabag-habag ang kalagayan ng aming kaluluwa, kung hindi kami kaaawaan na gunitain, tiyak nakamatayan ang aming kahahantungan. Ang lahat ng paghahangad na makasasama sa katawan, pamamaga ng puso sa kapalaluan at pagkamakasarili at kasabikan sa pagkakamit ng karangalan at kapurihan ng mundo, ang napakandidiring sugat na binabalungan ng maruruming hilig na laban sa kalinisan at tunay na nagpapahirap sa amin. Ito ay parang kanser na kumakalat sa buong katawan, parang ketong na umuubos ng aming laman at unti-unting pumapatay sa amin. Gayon din naman, hindi rin kami makaliligtas sa mga sakit ng katawan at sa dami ng mga karamdamang dumadapo, sa aming pagka-karatay sa higaan, sa pagkaubos ng aming lakas ay lumalapit kami sa iyo sapagkat nasa Iyo ang tanging lunas – ang aming Panginoong Jesukristo. Nananalig kami na isang haplos lamang niya ay gagaling na kami kahit gaano man kalubha ang aming karamdaman. Mahawakan lamang ang laylayan ng Kanyang damit ay gagaling na kami. Kaya’t ilapit Mo po kami sa Sanggol na kalong sa Iyong bisig. Ikaw ang aming pag-asa sa panahong tinanggihan na kami ng lunas dulot ng ano mang uri ng gamot sa mundo. Ikaw ang Ina naming nagpapagaling sa mga sakit, dalhin kami kay Jesus at nang maging marapat kami sa pagkakamit ng mga biyayang aming hinihiling sa ikagagaling ng aming kaluluwa at katawan at para rin sa lubos na ikaluluwalhati ni Jesukristo na aming Panginoon magpasawalang-hanggan. Amen.

𝐀𝐌𝐀 𝐍𝐀𝐌𝐈𝐍
𝐀𝐁𝐀 𝐆𝐈𝐍𝐎𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀
𝐋𝐔𝐖𝐀𝐋𝐇𝐀𝐓𝐈






𝐈𝐤𝐚𝐩𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐍𝐨𝐛𝐞𝐧𝐚: 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐨𝐥𝐚𝐝𝐨𝐫𝐚 𝐄𝐁𝐀𝐍𝐆𝐇𝐄𝐋𝐘𝐎𝐄𝐛𝐚𝐧𝐠𝐡𝐞𝐥𝐲𝐨 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 (𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 𝟏:𝟒𝟎-𝟒𝟓) Pagdating sa bahay ni Zaca...
07/05/2026

𝐈𝐤𝐚𝐩𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐍𝐨𝐛𝐞𝐧𝐚: 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐨𝐥𝐚𝐝𝐨𝐫𝐚

𝐄𝐁𝐀𝐍𝐆𝐇𝐄𝐋𝐘𝐎
𝐄𝐛𝐚𝐧𝐠𝐡𝐞𝐥𝐲𝐨 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 (𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 𝟏:𝟒𝟎-𝟒𝟓)

Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang pagbati ni Maria, biglang gumalaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan at siya ay napuspos ng Espiritu Santo. Napasigaw siya sa galak, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong pagbati ay gumalaw sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan. “Pinagpala ka, sapagkat sumampalataya kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!”

𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀-𝐏𝐈𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖

O Kamahal-mahalang Maria, Katamis-tamisang Birheng mapang-aliw ng mga nalulumbay! Batid Mo ang kalungkutan at hapis ng aming mga puso hindi lamang dahil sa mga paghihirap na dinaranas sa buhay, kundi higit sa lahat, dahil sa madalas naming pagkakasala at pagwawalang bahala sa Iyo at Iyong anak, ang Panginoong Jesus at pagwawalang bahala sa Iyo at Iyong anak, ang Panginoong Jesus na lubos na nagmamahal sa amin. Maari ngang ang kalungkutang ito ay nararapat lamang sa amin Sapagkat ang aming pamumuhay ay puno ng maling gawain. Ito ang tunay na dahilan ng aming pagdurusa at isinasamo namin na lubos na aminin aming mga kamalian. Ibigay mo sa amin ang biyaya ng taos-pusong pagsisisi sa aming kasalanan nang sa gayon ay matamo ang malinis na kalooban at tunay na kapayapaan ng kaluluwa. Nananalig kami sa iyong mahabaging puso. Ikaw ang higit na nakauunawa sa aming pagdurusa. Walang maka-papantay sa dinanas mong hapis noong ikaw ay nakatayo sa paanan ng Krus ng mahal Mong Anak na si Jesus, habang nasasaksihan ang matinding paghihirap at paghihingalo at napa-pakinggan ang mga huling wika. Ikaw ang totoong aliw ng mga nagkakasalang nasadlak sa kamatayan, ginhawa ng mga naghihingalo, pag-asa ng mga walang malay! Tagapagkupkop ng mga kaluluwang naligaw! Alalayan mo po kami sa panahon ng aming kalungkutan, sa tuwing kami ay nahaharap sa kabiguan, nawawalan ng pag-asa. Huwag mo sana kaming pabayaan na madaig ng sobrang kalungkutan sa huling sandali ng aming buhay. Ipagkaloob mo ang iyong kalinga hanggang sa malagot aming hininga. Aming ina, ipakita mo sa amin ang iyong anak na siya naming tunay na kaligayahan at maging marapat kami sa pagka-kamit ng mga biyayang aming hinihiling sa ikagagaling ng aming kaluluwa at katawan at para na rin sa ikaluluwalhati ni Jesukristo na aming Panginoon, magpasawalang- hanggan. Amen.

𝐀𝐌𝐀 𝐍𝐀𝐌𝐈𝐍
𝐀𝐁𝐀 𝐆𝐈𝐍𝐎𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀
𝐋𝐔𝐖𝐀𝐋𝐇𝐀𝐓𝐈






07/05/2026

𝐌𝐚𝐬𝐝𝐚𝐧 |

Nakalagak na sa unahang bahagi ng simbahan ang ating 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐛𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠-𝐚𝐦𝐩𝐨𝐧 ngayong araw, tanda ng pagsisimula ng banal na 𝐓𝐫𝐢𝐝𝐮𝐨 na alay sa kanyang kabusilakan.

Ang 𝐓𝐫𝐢𝐝𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧 ay magsisimula tuwing 𝐀𝐥𝐚 𝐮𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧 (𝟏:𝟎𝟎 𝐍.𝐇.), at susundan ng 𝐌𝐢𝐬𝐚 𝐍𝐨𝐛𝐞𝐧𝐚𝐫𝐲𝐨 tuwing 𝐀𝐥𝐚 𝐬𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨 (𝟓:𝟎𝟎 𝐍.𝐇.). Ang Mahal na Birhen ay mananatili sa Simbahan mula ngayong araw (𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟕) hanggang sa araw ng 𝐒𝐚𝐛𝐚𝐝𝐨 (𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟗), upang maging simbolo at paalala na sa tuwing tayo’y lumalapit sa kanya, tayo rin ay lumalapit sa Diyos.

Ang lahat ay iniimbitahang makiisa sa Triduong alay sa Mahabaging Ina ng Walang Mag-Ampon, at sama-sama nating ipamalas ang ating pinakamataas na papuri’t debosyon sa kanya.






Address

Siniloan

Telephone

+639167497276

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora De Los Desamparados De Siniloan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share