23/10/2025
BUMAGSAK BA PRESYO NG GOLD??
Bakit bumaba ang presyo ng GOLD sa MARKET, pero hindi bumaba ang presyo ng GOLD JEWELRY?
Marami ngayon ang nalilito at natatakot dahil nag-drop daw ang gold price sa WORLD MARKET. Pero bago tayo mag-panic, intindihin muna natin ang pinagkaiba ng dalawang klase ng gold.
1.) GOLD SA MARKET (TRADER GOLD)
Ito yung pure gold (24K) na binebenta sa WORLD MARKET o tinatawag na SPOT PRICE.
Araw-araw nagbabago presyo nito depende sa:
Dollar rate Esp
Inflation
Ito ang basehan ng mga Gold Traders, Investors, at Gold Reserves ng mga bangko.
Mabilis itong tumaas, pero mabilis din bumaba ARAW-ARAW normal 'yan sa trading world.
2.) GOLD NA ALAHAS (JEWELRY GOLD)
Ito naman yung 22K, 21K, 18K, o 14K gold na may design, labor, at craftsmanship.
Ibig sabihin, hindi lang gold content ang binabayaran mo kundi kasama dito ang
* Labor o paggawa ng alahas
* Design at artistry
* Retail cost
Kaya kahit bumababa ang spot price, hindi agad-agad nagro-roll back ang presyo ng Gold Jewelry. Hindi mo mabibili ng 100% sa halaga ng
"pagbaba" ng spot price dahil may ibang factors gaya ng:
Labor at craftsmanship cost
May old stock pricing
May stable demand
Tandaan !!
Ang trader gold ay PURE GOLD.
- Ang jewelry gold ay may halong metal (alloy) gaya ng
22K, 21K, 18K, o 14K.
Kaya stable pa rin ang presyo ng alahas kahit bumaba
ang pure gold price.
BAKIT MABABA ANG KUHA NG SCRAP BUYER?
(REFINE GOLD)
Marami ang nag-aakala na kapag tumaas ang presyo sa jewelry store, dapat automatic mataas din ang presyo kapag ibinebenta nila ang alahas o scrap gold nila.
Ganto kasi yan, ang basehan namin ay SPOT PRICE O current market price ng pure gold.
Kapag bumibili kami ng scrap gold, ang binabayaran lang namin ay PURE GOLD CONTENT, hindi kasama ang design o labor.
May kaunting price difference din sa spot price dahil:
* Binabawas ang halo (alloy percentage)
* May smelting (tunag)
โขUNLESS bago pa o maganda ang design ( puwedeng ibenta), ibang usapan na 'yon. Iba ang trading price ng scrap gold sa actual price ng brandnew.
BOTTOMLINE !!
Tandaan taas-baba ang presyo ng gold araw-araw, normal po 'yan sa market!
Kung may pagbaba man ngayon, correction lang po iyon matapos ang sunod-sunod na pagtaas nitong WEEK.
Naging matunog lang ang balita ngayon kasi biglaan ang pagbaba umabot ng halos 7% in just one day! Hindi gaya ng mga normal na correction na paunti-unti lang kada araw.
Pero don't worry, guys!
TUMATAAS NA NAMAN PO ANG GOLD TODAY!
Kaya huwag kayong matakot mag-invest sa jewelry gold. Hindi man agad bumaba ang presyo nito tulad ng spot price, kasi stable at long-term asset pa rin ito na may ganda, gamit, at halaga.
CTTO