24/10/2025
READ BEFORE YOU REACT ☺️
💥 BUMAGSAK BA ANG PRESYO NG GOLD?! 😱
Marami ang nagulat…
“Bakit bumaba ang presyo ng GOLD sa market, pero hindi bumaba sa jewelry stores?” 🤔
Hinga muna tayo 😅
Bago mag-panic, let’s understand kung ano’ng pinagkaiba ng dalawang klase ng gold.
_______
✨ 1️⃣ GOLD SA MARKET (Trader Gold)
Ito ‘yung pure gold (24K) na binebenta sa world market — tinatawag na spot price.
📉 Araw-araw nagbabago ang presyo depende sa:
💵 Dollar rate
📈 Inflation
🌍 Global demand & supply
Ito ang ginagamit ng traders, investors, at mga bangko bilang basehan.
Kaya normal lang na mabilis tumaas o bumaba — araw-araw naglalaro ‘yan sa trading world.
⸻
💍 2️⃣ GOLD JEWELRY (Jewelry Gold)
Ito naman ‘yung 22K, 21K, 18K, o 14K gold na may design, labor, at craftsmanship.
Hindi lang gold content ang binabayaran mo — kasama din:
✨ Design & artistry
🔨 Labor o paggawa
🏷️ Retail & brand cost
Kaya kahit bumaba ang spot price,
hindi agad bumababa ang presyo ng jewelry gold.
Bakit? Dahil may mga factors pa gaya ng:
• Labor at craftsmanship cost
• Old stock pricing
• Steady demand sa alahas
📌 Tandaan:
➡️ Trader Gold = Pure Gold (24K)
➡️ Jewelry Gold = May alloy + design value
Kaya kahit bumaba ang spot price, stable pa rin ang presyo ng alahas.
⸻
💡 BAKIT MABABA ANG PRESYO SA SCRAP BUYERS?
(‘Yung kapag ibinenta mo ang luma mong alahas)
Marami ang nag-aakalang kapag tumaas ang gold sa tindahan,
dapat mataas din ang bili ng buyer sa alahas nila.
Pero ganito ‘yan 👇
Ang basehan ng mga buyer ay spot price ng pure gold lang.
Pag scrap gold, ang binabayaran lang ay gold content, hindi kasama ang design o labor.
At madalas binabawas pa ang:
⚙️ Alloy percentage (halo sa gold)
🔥 Smelting/tunaw process
✅ Unless bago pa o maganda ang design — puwede pang ibenta as jewelry, hindi na scrap!
⸻
📊 BOTTOMLINE:
Normal po ang taas-baba ng gold price — parte ‘yan ng market correction.
Itong pagbaba ngayon (around 7% in one day) ay pansamantala lang after several weeks of price surge.
💛 GOOD NEWS:
TUMATAAS NA ULIT ANG GOLD TODAY! 🔥
Kaya kung may gold jewelry ka — huwag mong ibenta agad.
At kung balak mong mag-invest — perfect time habang may price dip!
💎 Gold jewelry is still the best:
✔️ Wearable investment
✔️ Long-term value
✔️ Timeless beauty
- Miss J -