21/04/2026
“Nakikialam na ang church sa buhay ko.”
Narinig mo na ba to, or baka nasabi mo na rin?
Minsan kasi, parang ang bigat kapag may nagtatanong, nagko-correct, o nagbibigay ng guidance sa atin. Parang feeling natin,
“Personal na to ah, bakit kailangan pang pakialaman?”
Pero sandali, baka hindi lang “pakikialam,” baka pagmamalasakit.
Sa Bible, malinaw na ang church is not just a place, it’s a family. Family of Believers.
At sa pamilya, hindi ka pababayaan lang lalo na kapag may nakikitang pwedeng makasakit sayo.
“Let us consider how to stir up one another to love and good works… encouraging one another…” Hebrews 10:24–25
Hindi tayo tinawag ni Lord para mag-isa. We are called to walk together, to grow together.
Oo, may times na mali ang approach.
May pagkakataon na ang correction feels harsh, or timing is off.
Kaya kailangan din maging humble ang church sa paraan ng pagguide with grace, not control.
“Brothers, if anyone is caught in any transgression, you who are spiritual should restore him in a spirit of gentleness.” Galatians 6:1
Gentleness. Not judgment.
Restoration. Not condemnation.
Pero bilang believers, may part din tayo.
Hindi lahat ng discomfort ay masama.
Minsan, doon gumagalaw si Lord para ishape tayo.
“Faithful are the wounds of a friend…” Proverbs 27:6
Minsan yung “aray” na nararamdaman mo,
yun din yung way ni God para i-heal ka.
So paano ba dapat tingnan ‘to?
1. Kung ang church ay nagcocorrect out of love, that’s care.
2. Kung tinutulungan ka nilang mapalapit kay Lord, that’s discipleship
3. Kung may accountability, that’s protection
Pero, kung may control, manipulation, or pagkawala ng grace, hindi na yun healthy.
At valid din na magseek ng wisdom and boundaries.
Hindi ka kinokontrol ng tunay na church,
inaakay ka nila pabalik kay Cristo.
“Rather, speaking the truth in love, we are to grow up in every way into him who is the head, into Christ.” Ephesians 4:15
Kung feeling mo “nakikialam na ang church sa buhay mo,”
tanungin mo rin sarili mo,
“May tinuturo ba si Lord sa akin dito?”
“May area ba ng buhay ko na kailangan ko talagang i-surrender?”
At kung ikaw naman ay part ng church leadership or membership,
“Am I correcting with love, humility, and grace?”
At the end of the day,
hindi perfect ang church, pero ginagamit ito ni God para hubugin tayo.
Hindi para kontrolin ang buhay natin,
kundi para tulungan tayong mamuhay para sa Kanya.
CTTO
— https://www.instagram.com/cfm_okazaki?igsh=YTZsbnNzd3N5cmVq
Church address: https://maps.app.goo.gl/KWcnM4bVZfqr5TpT8?g_st=ic