29/04/2026
Hindi Para sa Mahina ang Negosyo
Hindi para sa mahina ang pagnenegosyo—pero kung matibay ka, dito ka yayaman. 💵
Bago ka pumasok sa buhay ng negosyante, basahin mo muna ito.
Hindi lang ito tungkol sa kita—ito ay tungkol sa disiplina, sakripisyo, at mental strength.
Kung gusto mong mag negosyo, dapat handa ka sa mga ganito:
• Handa ka ma-stress — kasi hindi araw-araw may benta
• Handa ka mapuyat — kakaisip paano palaguin ang puhunan
• Handa ka mapagod — ikaw ang boss pero ikaw din ang lahat
• Araw-araw may computation — walang pahinga ang pera
• Laging may calculator o cellphone — bawat galaw may kwenta
• May records ka — para alam mo kung kumikita ka o nalulugi
• Mas okay kung may 3 bank accounts — para hiwalay ang business, savings, at personal gastos
• Marunong gumamit ng credit card — malaking tulong sa cash flow (lalo na sa inventory), basta marunong kang magbayad on time
Pinaka importante sa lahat:
Huwag mong hahaluin ang personal at business na pera.
Dito bumabagsak ang karamihan.
Akala nila kumikita sila… pero wala na pala silang puhunan.
Iwasan ang bisyo.
Matutong magpakumbaba.
Babaan ang pride.
Kasi sa totoo lang…
Hindi puro success ang buhay ng negosyante.
Ang nakikita ng iba:
“Ang dami niyang negosyo.”
“Ang dami niyang pera.”
“Ang swerte niya.”
Pero ang hindi nila nakikita:
• Mga gabing puyat ka kakaisip ng strategy
• Mga araw na pagod ka pero tuloy pa rin
• Stress kung paano paikutin ang maliit na capital
• At risk na ikaw lang ang sasalo kapag nalugi
May mga pagkakataon din…
Kapag hindi ka nakapagpahiram, iisipin nila madamot ka.
Pero ang totoo?
Pinoprotektahan mo lang ang negosyo mo.
Kasi alam mong kapag bumagsak ‘yan, ikaw din ang mawawalan.
Sa lahat ng negosyante diyan—
Hindi madali, pero posible.
Laban lang. Consistency lang.
Darating din ang araw na ang hirap mo ngayon, magiging bunga bukas. 💪
Mabuhay ang small businesses!
⸻