27/07/2025
P**I BASA ☺️‼️YUNG MGA MAHILIG SA GOLD DIYAN
Paalala ulit sa mga bagohan sa mga alahas‼️
1. Please manage your expectation sa mga items na 2grams and below!!
Those are the items categorize as lightweight.. sa sanlaan ewan if totoo kase di ko pa natry nagpauri ng mga light weight madalas daw ayaw nilang tanggapin pag mga light weight (below 2g).. so if your purpose is to pawn it in the future then please invest sa mga atleast 4g and up
If not for pawn naman but for daily awra lang goods na tayo sa mga light weight!!
but not advisable for daily use lalo na if may heavy work
2. IF in doubt sa item upon receipt, please pauri po agad sa atleast 2-3 reputable pawnshops para if me problem we can address it agad sa shop
3. Ano ang inote pag nagpapauri?
A. Syempre if real gold ba sya and tama yung karat
B. Timbang - expect na never magpapareha ang supplier scale sa pawnshop scale. .3 and below diff. Is acceptable po
5. Mukhang malaki ang item pero below 1g? Ibig sabihin po nyan ay ampaw yan - they are design to look expensive kahit mura - what to expect? They are so light sa kamay and me tendency ng mga yupi in the long run depende sa design
6. Rope chains issue - namamagnet daw kaya possible ayaw tanggapin sa sanlaan!! Kase po hinahaloan nila un ng cobalt para maging mas matibay sya at di madaling mapigtas dahil sa design nya na thread-like kaya po namamagnet so again if for sanla ang pakay choose other chains
7. Clip bangles - namamagnet kaya ayaw din tanggapin ni sanlaan? Kase po me spring yan sa loob para mabuka yun po ang namanagnet but it does not mean na fake na ung bangle mo madam.. if pangsanla in the future then invest in screw type bangles
KAUNTING PAALALA TO ALL OUR BUYERS
- Hope & Faith Online Shop