12/08/2026
Alinsunod sa SP Resolution No. 5059-2026, Series of 2026, isinailalim sa State of Calamity ang buong Lalawigan ng Cavite dahil sa pinagsamang epekto ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat) at mga nagdaang bagyo.
Layunin ng deklarasyon na mapalakas ang pagtugon ng pamahalaan at mapabilis ang paghatid ng tulong sa mga apektadong pamilya.
Nagpapatuloy rin ang monitoring at response operations ng Pamahalaang Bayan ng Tanza, alinsunod sa direktiba ni Mayor Archangelo “SM” Matro, sa mga lugar na nangangailangan ng agarang suporta.