11/10/2026
💖 A HEARTFELT THANK YOU TO OUR DEAREST SISTERS & RESPONSIBLE BUYERS! 🇹🇭🙏🏻
To all our dear sisters na patuloy na sumusuporta at responsable sa mga items na kanilang mine during our LIVE selling sa Bangkok, Thailand, MARAMING, MARAMING SALAMAT PO SA INYO! 🥹❤️
Alam po namin na marami kayong pagpipilian at may mga shops na nag-aalok ng mas murang presyo. Pero sa kabila nito, patuloy ninyo pa rin kaming pinipili at pinagkakatiwalaan. Hindi po namin kayang sukatin ang pasasalamat namin sa inyong tiwala at suporta. 🙏🏻❤️
Sa bawat item na binibili ninyo sa amin, sana po ay makita ninyo hindi lamang ang presyo, kundi pati ang effort, oras, serbisyo, at mga gastusin sa likod ng bawat produkto. Mula sa pamasahe sa airline, hotel accommodation, pagkain, cargo fees, hanggang sa mataas na Sh0pee platform fees at taxes—lahat po ng ito ay bahagi ng aming pagsisikap na maihatid sa inyo ang inyong mga gustong items from Bangkok, Thailand. 🇹🇭✈️📦
Kaya sa aming mga responsableng miners at buyers, maraming salamat po sa pagpili sa amin kahit marami kayong ibang options. Kayo po ang nagbibigay-inspirasyon sa amin na magpatuloy, maghanap ng magagandang items, at magbigay ng mas maayos na serbisyo. Hindi po namin ipinagwawalang-bahala ang bawat order at bawat tiwala na ibinibigay ninyo sa amin. 🥰💖
🙏🏻 ISANG MAGALANG NA PAALALA SA LAHAT:
Sa mga nagmi-mine during LIVE selling, sana po ay siguraduhin muna ang inyong order bago mag-mine. Ang bawat mine ay may katumbas na oras, puhunan, at responsibilidad para sa seller.
Sa mga paulit-ulit na cancellation requests, RTS (Return to Sender), at sa mga joyjoy buyers na hindi tumutupad sa kanilang orders, sana po ay maisip din natin ang epekto nito sa mga online sellers. Ang mga ganitong pangyayari ay nagdudulot ng dagdag na gastos, abala, nasasayang na oras, at posibleng pagkalugi sa aming negosyo.
Ang pag-mine ay hindi lamang simpleng pag-comment ng “MINE.” Ito ay isang commitment at responsibilidad. ❤️
Hindi po namin hinihingi na sa amin lamang kayo bumili. Ang hiling lang po namin ay maging responsable, considerate, at tapat tayo sa bawat transaksyon.
Sa aming mga tunay na sumusuporta, sa mga sisters na maayos kausap, nagbabayad sa oras, at tumutupad sa kanilang orders—YOU ARE TRULY APPRECIATED AND BLESSED! 🥹❤️
Maraming salamat po sa patuloy na pagtangkilik sa OWsome Apparel Shop x BOSSJ APPARELLE. Dalangin namin ang masaganang biyaya, mabuting kalusugan, at pagpapala para sa bawat isa sa inyo.
God bless us all, dear sisters! 🙏🏻❤️🇹🇭
With love and gratitude,
OWsome Apparel Shop x BOSSJ APPARELLE 🤍