08/06/2022
Hunyo 8 2022
Miyerkules ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
UNANG PAGBASA
1 Hari 18, 20-39
Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari
Noong mga araw na iyon, tinipon ni Acab sa Bundok ng Carmelo ang buong bayang Israel at ang kanyang mga propeta. Lumapit si Elias at sinabi sa bayan: âHanggang kailan pa kayo mag-aalinlangan? Kung ang Panginoon ang tunay na Diyos, siya ang sundin ninyo; at kung si Baal naman, kay Baal kayo maglingkod.â Hindi umimik ang bayan. Muling nagsalita si Elias: âAko na lamang ang natitira sa mga propeta ng Panginoon. Samantala, may apatnaraaât limampu ang mga propeta ni Baal. Bigyan ninyo kami ng dalawang toro. Pumili sila ng isa, katayin at ipatong sa ibabaw ng kahoy na sinalansan, ngunit hindi sisindihan. Ihahanda ko rin ang ikalawa sa ibabaw ng kahoy na sinalansan at hindi ko rin sisindihan. Tawagin ninyo ang inyong diyos at tatawagin ko naman ang Panginoon. Ang tumugon sa pamamagitan ng apoy, iyon ang tunay na Diyos.â
At sumagot ang bayan: âSang-ayon kami!â
Sa gayun, sinabi ni Elias sa mga propeta ni Baal: âSapagkat kayo ang marami, pumili na kayo ng isang toro at ihanda na ninyo. Pagkatapos, tawagin ninyo ang inyong diyos, ngunit huwag kayong magpaparikit ng apoy.â
Kinuha nga nila ang isa sa mga toro at inihandog. Mula sa umaga hanggang tanghali, tinawagan nila si Baal. âBaal, Baal, pakinggan mo kami,â sigaw nila, samantalang pasayaw-sayaw sa paligid ng dambana. Ngunit walang sumasagot.
Nang katanghalian naây nilibak na sila ni Elias. Wika niya, âLakasan pa ninyo! Alam naman ninyo ang inyong diyos! Baka may ginagawa, o may pinuntahan! O baka naman natutulog. Kayaât kailangang gisingin!â Lalo nga nilang inilakas ang kanilang sigaw. Sinugatan ang sarili sa pamamagitan ng sibat at tabak â tulad ng kanilang kinaugalian â hanggang sa silaây maligo sa dugo. Lumampas ang tanghali at oras na ng paghahandog ng hain ngunit wala pa ring tugon kahit ano.
Nagsalita noon si Elias sa buong bayan: âLumapit-lapit kayo,â wika niya. At nagsilapit ang lahat. Inayos niya ang dambana roon ng Panginoon na matagal nang gumuho. Pumili siya ng labindalawang bato katumbas ng bilang ng mga lipi ni Jacob na binigyan ng Panginoon ng pangalang Israel. Ang mga batoây ginawa niyang dambana para sa Panginoon. Pinaligiran niya iyon ng isang kanal na may lamang dalawang baldeng tubig. Isinalansan niya ang kahoy, kinatay ang toro at ipinatong sa kahoy. Pagkatapos, nag-utos siya: âKumuha kayo ng apat na bangang tubig at ibuhos sa handog at sa kahoy.â Gayun nga ang ginawa nila. âBusan pa ninyo,â sabi ni Elias. At binusan nila. âMinsan pa,â utos uli ni Elias. Makaitlo nga nilang binusan ang handog hanggang sa umagos ang tubig sa paligid ng dambana at umapaw sa kanal.
Nang ikatlo na ng hapon na siyang oras ng paghahandog, tumayo si Elias sa harap ng dambana at nanalangin: âPanginoon, Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob, patunayan po ninyo ngayon na talagang kayo ang Diyos ng Israel, at ako ay inyong lingkod, at ginawa ko ang lahat na ito pagkat ito ang inyong utos. Dinggin ninyo ako, Panginoon, upang matalastas ng bayang ito na kayo lamang ang Diyos at silaây inyong pinapagbabalik-loob.â
Noon diây nagpababa ng apoy ang Panginoon at tinupok ang handog, ang kahoy at ang mga bato at lupa sa paligid. Pati ang tubig sa kanal ay natuyo. Pagkakita sa nangyari, nagpatirapa ang buong bayan at sumigaw: âAng Panginoon ang Diyos! Ang Panginoon lamang ang Diyos!â
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 15, 1-2a. 4. 5 at 8. 11
Tugon: Dâyos ko, ang aking dalangiây akoây iyong tangkilikin.
O Diyos, akoây ingatan mo, ingatan ang iyong lingkod,
ang hangad ko ay maligtas kaya sa âyo dumudulog;
âIkaây aking Panginoon,â ang wika ko sa aking Diyos,
âKabutihang tinanggap ko, ay ikaw ang nagkaloob.â
Tugon: Dâyos ko, ang aking dalangiây akoây iyong tangkilikin.
Silang bumaling sa ibang diyos, suliraniây abut-abot,
sa pagsambang gawi nila, ako ay hindi lalahok.
Tugon: Dâyos ko, ang aking dalangiây akoây iyong tangkilikin.
Ikaw lamang, O P**n ko, ang lahat sa aking buhay,
akoây iyong tinutugon sa lahat kong kailangan.
Nababatid ko na siyaây kasama ko oras-oras,
sa piling nâya kailanmaây hindi ako matitinag.
Tugon: Dâyos ko, ang aking dalangiây akoây iyong tangkilikin.
Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan,
sa piling moây madarama ang lubos na kagalakan;
ang tulong moây nagdudulot ng ligayang walang hanggan.
Tugon: Dâyos ko, ang aking dalangiây akoây iyong tangkilikin.
ALELUYA
Salmo 24, 4b. 5a
Aleluya! Aleluya!
Panginoon, ituro mo
na âyong landas ay sundin ko
sa pagtahak sa totoo.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 5, 17-19
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, âHuwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hanggaât hindi nagaganap ang lahat. Kayaât sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayun sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.â
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.