22/07/2023
GOLD β one of the many ways to SAVE MONEY for the future. A liquid asset na madali inconvert into cash in times of need/emergency, hindi nagdedepreciate ang value, low maintenance, pwede ipamana.
Hindi po ako expert sa gold pero ishare ko lang ang tip ko when buying gold lalo na sa mga ka-tipid nating nagpaplano na mag-invest na rin dito.
1. Do not buy gold kung sakto lang ang pera β kailangan po may extra kang pera na di mo kakailanganin sa susunod na araw or sa susunod na buwan at yun ang ipapambili mo ng ginto. Goldβs value do not grow over night, taon ang inaabot bago mo ito maramdaman. Hindi tayo bumili ng ginto para sa isangla din agad.
2. Huwag bumuli ng ginto sa mall. Sobrang mahal po don.
3. Brand new or subasta, it does not matter ang mahalaga tunay ang ginto kaya bili lang po kayo sa mapagkakatiwalaan nyo, may mga online sellers naman na legit (buy at your own risk), kung subasta naman nandyan po ang may pawnshops may auctions po sila. I prefer Subasta po pala.
4. Go for gold na walang bato-bato, yung mga white and colored stones, enamel, usually nagpapabigat lang po yan sa timbang pero wala pong value. Kung gusto nyo po may bato go for real diamonds. (Inote ko lang din po pala, iilan lang po ang pawnshops na nagppresyo ng diamonds kung need nyo talaga isangla, depende po kasi yan sa appraiser kung maalam sila sa diamond.)
5. Kung bibili po kayo ginto na walang bato, for 18k-22k, (personally, I donβt like 24k dahil sobrang lambot nya, sa klima natin na mainit nadedeform po sya.) Kung gusto mo naman po with real diamonds and with precious stones, go for 14K for strong hold nung metal sa stones.
6. Hindi masama bumili ng lightweight lalo na kung nagsisimula ka palang, take it as motivation like kung 1gram or 2grams palang nabili mo ngayon, next time ay 5grams pataas na.
CCTO