02/04/2019
ANG OPHIR
Ano ba ang Ophir?
May kaugnayan ba ang Ophir sa ating pagiging Pilipino?
Saan ba naroon ang Ophir?
Meron bang kaugnayan ang Ophir sa Bayang Israel sa panahon ni Haring Solomon?
Ano ang kaugnayan ni Ophir kay Shem na anak ni Noeh?
AYON SA ENCYCLOPEDIA AT AKLAT NG MGA KASAYSAYAN:
Ang Ophir ay isang pamosong lugar na binabanggit ng Biblia, na maraming matatagpuang mga likas na kayamanan, tulad ng lantay na ginto, pilak at ibat ibang mga mamahaling bato mga halaman punong kahoy, mga hayop at ibon, kung saan ay maituturing o mailalarawan itong isang paraiso.
AYON NAMAN SA BIBLIA:
Sa Ophir galing ang mga ginto at pilak na ginamit na ipinangpahid (plated) sa mga pundasyon at pader ng templong ipinagawa ng Diyos kay Haring Solomon.
Sa Ophir din galing ang mga kahoy na ginamit na upuan sa Templo ng Diyos.
Sa Ophir nanggaling ang halos lahat ng kayamanan ni Haring Solomon. Sa panahon ng kanyang paghahari ang pilak ay halos ginagawa na lang panambak sa lansangan.
Ng mabalitaan ni Haring Huram ng Tiro, na ipapagawa na ni Haring Solomon ng Israel ang Templo ng Diyos ay kinontrata nya Si haring Solomon at nagkasundo sila na magpagawa ng malalaking barko sa Esion Geber sa bukana ng Edom sa baybaying dagat ng Reed Sea. (Ang Reed po ay isang uri ng talahib na matatagpuan sa baybaying dagat sa lugar na ito, kaya tinawag na Reed Sea, na knalaunan ay tinawag na Red Sea.)
Kumuha sila ng mga tripulanteng bihasa sa dagat at naglalakbay sila patungong Ophir at pagkalipas ng tatlong taon ay bumabalik sila na merong dalang mga ginto, pilak, kahoy na garing (almug Tree), unggoy (ape) at pabo (peacock).
1. King Solomon also built ships at Ezion Geber, which is near Elath in Edom, on the shore of the Red Sea. 1 Kings 9:26
2. And Hiram sent his men—sailors who knew the sea—to serve in the fleet with Solomon’s men. - 1 Kings 9:27
3. 1 Kings 9:28 They came to Ophir, and fetched from there gold, four hundred and twenty talents, and brought it to king Solomon.
4. 1 Kings 10:11 The navy also of Hiram, that brought gold from Ophir, brought in from Ophir great plenty of almug trees and precious stones.
5. 1 Chronicles 29:4 even three thousand talents of gold, of the gold of Ophir, and seven thousand talents of refined silver, with which to overlay the walls of the houses;
6. 2 Chronicles 8:18 Huram sent him ships and servants who had knowledge of the sea by the hands of his servants; and they came with the servants of Solomon to Ophir, and fetched from there four hundred fifty talents of gold, and brought them to king Solomon.
7. 2 Chronicles 9:10 The servants also of Huram, and the servants of Solomon, who brought gold from Ophir, brought algum trees and precious stones.
8. Job 22:24 Lay your treasure in the dust, the gold of Ophir among the stones of the brooks.
9. Job 28:16 It can't be valued with the gold of Ophir, with the precious onyx, or the sapphire.
10. Isaiah 13:12 I will make people more rare than fine gold, even a person than the pure gold of Ophir.
NGUNIT NASAAN BA ANG OPHIR? PAANONG NAGKAROON NG OPHIR AT SAAN ITO MAARING MATATAGPUAN?
Ayon sa mga dalubhasang mga historyador ng ating mundo, Ang Ophir ay matatagpuan daw sa mga lugar na sumusunod:
1. South Eastern part ng Palestina at Arabia.
2. Ang iba ay nagsasabi na ang Ophir ay nasa sa bahagi daw ng East Africa, dahil sa Africa ay maraming matatagpuang mina ng ginto.
3. May nagsasabi din na matatagpuan daw ito sa India dahil meron daw doong almug tree.
4. At meron din namang nagsasabing ang Ophir ay nasa malayong silangan o Far East.
Ang lahat ng dakong ito na nabanggit ay patuloy pa ring pinagtatalunan ng mga historyador hanggang sa kasalukuyan at kung kailan sila magkakasundo ay tanging tadhana na lang ang makakaalam.
Ngunit sa panig po nating mga Pilipino na naging palamasid na sa kalagayan at kasalukuyang takbo ng ating mundo at pinagkalooban ng ating dakilang Diyos na makaunawa ng mga bagay na merong kaugnayan sa kasaysayan ng ating bansa
Kung kayo ang aming tatanungin sa apat na dako na nabanggit sa itaas, Saan kaya sa mga lugar na yan naroon ang OPHIR?
Sa bahaging ito ay pinuputol ko paglalahad sa inyo nitong munti kong kaalaman at hayaan kong maging bahagi po kayo ng aming pagsusuri at ating lakbayin ang lawak ng ating kaalaman at hawiin ang hiwaga at alamin kung saan matatagpuan ang OPHIR?
Ito ay bilang handog po namin sa mga FB frends at sa lahat ng mga Pilipino na gustong samahan kami sa pagtuklas ng ating mga nakaraan at makulay na kasaysayan ng ating bayan sa Malayong Silangan.