21/02/2026
Sofia Trazona, may matinding mensahe kay Alvin Aragon: “Pagod na pagod na ako… tama na.”
Emosyonal at prangkang ibinahagi ni Sofia Trazona ang kanyang saloobin laban sa stepfather niyang si Alvin Aragon, matapos ang sunod-sunod na pahayag at isyu na umingay sa social media.
Sa kanyang post, diretsahan niyang sinabi:
“To Mr. Aragon… I’m tired, I’m hurting. Pagod na din akong magdefend, proteksyonan ang nanay ko… Gusto ko na din matapos lahat lahat ng ’to.”
Ibinunyag din ni Sofia ang isang mabigat na alegasyon—na minsan umano siyang sinakal ni Aragon. Ayon sa kanya, hindi niya ito pinersonal noon dahil akala niya’y bahagi lang iyon ng “disiplina,” ngunit habang siya’y lumalaki, napagtanto niyang mali pala ito.
“Hindi ko nga sinabi na sinak4l mo ako… Pero yun talaga ang totoong nangyari… akala ko normal lang ang pagdidisiplina pero habang lumalaki ako eh mali pala talaga yun.”
Sa kabila ng lahat, nilinaw ni Sofia na wala siyang intensyon na sirain ang pamilya ng kanyang stepfather.
“Wala akong intensyon na sirain ka. Wala akong intensyon na masira ang family n’yo. I’m happy for you guys.”
Nanawagan din siya ng grace at compassion, at inamin na hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang galit.
Sa ngayon, marami ang netizens na nagpahayag ng suporta kay Sofia, habang hinihintay naman ang panig ni Alvin Aragon ukol sa mga pahayag na ito.
Reaksyon ng Netizens:
• “Stay strong, Sofia!”
• “Praying for healing and peace for both sides.”
• “Grace and compassion talaga ang kailangan sa ganitong sitwasyon.”