31/12/2025
Taos-pusong Pasasalamat
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng aming mga costumer ng CJSJ Watch Repair sa patuloy ninyong tiwala at suporta sa buong taon ng 2025.
Dahil sa inyo, patuloy kaming nagsisikap na magbigay ng tapat, maingat, at de-kalidad na serbisyo sa pagkukumpuni ng inyong mga relo. Ang inyong tiwala ang aming inspirasyon upang mas pagbutihin pa ang aming serbisyo araw-araw.
Kung sakali man po na may hindi pagkakaintindihan, bukas po kami sa mahinahon at maayos na pag-uusap, dahil naniniwala kami na lahat ng problema ng relo ay may solusyon. Paalala rin po na serbisyo lamang ang binabayaran, hindi ang pagkatao ng technician, kaya sana ay mag-ingat tayo sa pananalita at panatilihin ang respeto sa isa’t isa.
📖 “Ang mahinahong sagot ay nakapapawi ng galit, ngunit ang salitang masakit ay nakapag-aalab ng poot.”
— Kawikaan 15:1
Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagtitiwala at suporta sa CJSJ Watch Repair. Asahan ninyo na mananatili kaming tapat at handang maglingkod sa inyo ngayon at sa mga susunod pang taon.
Maraming salamat at pagpalain po kayo ng Diyos!