Jesus Christ Alpha Omega Church Ministry Int’l Cavite

Jesus Christ Alpha Omega Church Ministry Int’l Cavite Christian Church Non-Denomination Non-Sectarian Full Gospel Orthodox

Jesus Christ Alpha Omega Church Ministry Int'lDahil kapag umakyat ka sa pulpito, hindi na simpleng opinyon ang dala mo—S...
15/05/2026

Jesus Christ Alpha Omega Church Ministry Int'l

Dahil kapag umakyat ka sa pulpito, hindi na simpleng opinyon ang dala mo—Salita ng Diyos na ang hawak mo.

“At huwag maging g**o ang marami sa inyo, mga kapatid ko, sapagkat alam ninyong tayong nagtuturo ay hahatulan nang mas mabigat.”
— Santiago 3:1

Kaya tigilan natin ang linyang:
“Wag kayong tumingin sa tao.”

Oo, tao lang ang pastor. Hindi perpekto. Nagkakamali rin.
Pero kapag ikaw ang nangangaral ng kabanalan, katotohanan, katapatan, at takot sa Diyos—natural lang na titingnan ng tao kung nilalakad mo ba ang ipinapangaral mo.

“Sapagkat ikaw na nagtuturo sa iba, hindi mo tinuturuan ang iyong sarili?”
— Roma 2:21

“Huwag sa salita lamang… kundi maging halimbawa ka sa pananalita, pamumuhay, pag-ibig, pananampalataya, at kalinisan.”
— 1 Timoteo 4:12

Hindi dahil iniidolo ka nila.
Kundi dahil ang pulpito ay hindi entablado ng drama—ito ay lugar ng pananagutan.

“Sapagkat ang labi ng saserdote ay dapat mag-ingat ng kaalaman… dahil siya ang sugo ng Panginoon.”
— Malakias 2:7

Pero mabigat din ang babala ng Diyos:

“Ngunit kayo’y lumihis sa daan; marami ang inyong pinatisod.”
— Malakias 2:8

May malalakas mangaral ng repentance pero lihim na namumuhay sa compromise.
May matapang sa mikropono pero tiklop sa katotohanan.
May malalim magturo ng loyalty pero sila mismo ang unang bumibitaw sa unity.

Ang problema, kapag mali ang buhay ng nasa pulpito, maraming mahihina ang nadadapa.

“Kayo’y asin ng lupa… ngunit kapag nawalan ng alat, wala na itong kabuluhan.”
— Mateo 5:13

Kaya bago ka humawak ng mikropono, siguraduhin mong handa ka ring humawak ng accountability.

“Huwag tayong magmahal sa salita lamang, kundi sa gawa at katotohanan.”
— 1 Juan 3:18

Hindi sapat na magaling magsalita.
Ang tunay na pangangaral ay may kasamang buhay na may bunga.

🔥 Ang pulpito ay hindi proteksyon laban sa criticism.
Mas lalo itong naglalagay sa’yo sa ilalim ng liwanag ng Diyos. 🔥

Happy happy and Blessed Birthday Sister Marites,,,
14/05/2026

Happy happy and Blessed Birthday Sister Marites,,,

Jesus Christ Alpha Omega Church Ministry Int'lB I B L E   S T U D YTopic: The Parable of Food and Yeast PT-2Main Referen...
13/05/2026

Jesus Christ Alpha Omega Church Ministry Int'l

B I B L E S T U D Y

Topic: The Parable of Food and Yeast PT-2
Main Reference: Mateo 24:45-47

Purihin ka po Oh Dios sa Iyong mga Hayag na Salita….

Insert: Krisjhen Delima of Alabang Muntinlupa and Kyrie Clark of Tanza Cavite

11/05/2026
Sa gitna ng pagod at bigat ng ating nararamdaman, madaling isipin na ang paghinto o pag-alis sa ministry ang tanging sol...
11/05/2026

Sa gitna ng pagod at bigat ng ating nararamdaman, madaling isipin na ang paghinto o pag-alis sa ministry ang tanging solusyon.

Ngunit dapat nating alalahanin na ang paglilingkod sa Panginoon ay hindi lamang isang aktibidad kundi isang tipan.

Ang pag-atras o paghinto, bagaman tila nagbibigay ng panandaliang ginhawa, ay maaaring maglayo sa atin sa mga pagpapalang inilaan ng Diyos para sa mga nagtatapat hanggang wakas.

Ang tunay na pagpapahinga ay hindi matatagpuan sa pag-iwan sa ating mga tungkulin, kundi sa paglapit sa Kanya habang tayo ay naglilingkod.

Kapag tayo ay huminto, hinahayaan nating manalo ang pagkapagod kaysa sa pananampalataya.

Ang ministry ay isang paglalakbay ng pagtitiwala—na kahit wala na tayong lakas, ang Kanyang biyaya ay sapat.

Ang pagpapatuloy sa kabila ng pagod ay isang sakripisyong kalugod-lugod sa Diyos, dahil doon nakikita na hindi sa sarili nating lakas tayo umaasa kundi sa Kanya.

Gaya ng sinasabi sa :

Galacia 6:9: At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipag-ani tayo, kung hindi tayo mangangalumata.'

Ang pangako ng Diyos ay malinaw: may aning naghihintay. Kung tayo ay titigil ngayon, baka hindi natin makita ang bunga ng lahat ng luha at paghihirap na itinanim natin.

Huwag nating hayaan na ang pansamantalang pagod ay maging dahilan ng permanenteng paghinto sa tawag ng Diyos sa ating buhay.

Humugot tayo ng bagong lakas sa Kanya, dahil ang mga naghihintay sa Panginoon ay magbabago ng kanilang lakas."

Finaly… wowww…God knows how to Bless us, and God also know when to Bless us…All Glory Is To You Lord!!!Jesus Christ Alph...
08/05/2026

Finaly… wowww…
God knows how to Bless us, and God also know when to Bless us…

All Glory Is To You Lord!!!

Jesus Christ Alpha Omega Church Ministry Int'l

Bishop Yadao Roel

Rose Marichu H. Fuentes

07/05/2026

Happy and Blessed Birhday Thomas Inigo…
We Love You
From JCAO FAM

Jesus Christ Alpha Omega Church Ministry Int'lB I B L E   S T U D YThe Parable Of Food And Yeast   Part-1Main Reference:...
06/05/2026

Jesus Christ Alpha Omega Church Ministry Int'l

B I B L E S T U D Y

The Parable Of Food And Yeast Part-1

Main Reference: Matthew 24:45-47

Insert: Kristoffer of Tanza Cavite, Krisjhen of Alabang Muntinlupa and Kyrie Clark of Tanza Cavite via Online Class theu messenger

Dakila ang Iyong Pagpapala Oh Dios Gamit Ang Iyong Mga Salita!!!!

Address

Bahayang Pagasa, Imus City, Cavite
Cavite

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jesus Christ Alpha Omega Church Ministry Int’l Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share