19/12/2025
DAGDAG KAALAMAN SA GINTO
1.pano malalaman kung peke ang gold na nabili o hindi?
-hanapin ang engraved code no. sa item, mostly makikita sa lock po..( note: hindi lahat ng my tatak ay gold, at hindi lahat ng walang tatak ay hindi gold)
-kapag namamagnet yung buong alahas (ipadouble check sa pawnshop baka fake ) dapat yung lock lang ang magnetic dahil my spring yan ..pero this day merong lumalabas ng slightly magnetic na alahas .
2.anu anu po ang codes na hahanapin? Yan yung nakatatak sa jewelry sa lock or sa likod.
-999
-916
-22c
-875
- arabic sign
-21k
-750/k18 with japan flag / k18 with chinese character
-585
-375
3. anu ibig sabihin ng codes engraved?
- ito ay indicated sa kung anung karat meron ang item na nabili nyu.
4. pano po malalaman?
-999 - 24k
-916-22k
-750 /K18 with japan flag-18k
-585 -14k
4. may naka engraved po pero wala po sa binigay nyung codes.
- minsan po 18k, 21k or 24k po ini engraved nila. pero mostly po ay ung codes po.
5. bakit may codes?
- aside po sa malalaman kung legit, ito po ay nangangahulugan na kung ilang porsyento po ng gold/karat meron ang item na nabili nyu. halimbawa po,. 750- ibig sabihin 75% gawa sa gold po ang item na nabili ninyu.
6. so hindi po purong gold ang nabibili namin?
- exactly!!! dahil napakalambot po ng purong ginto para gamitin sa araw2. hindi po natin siya ma fleflex 😂✌️
7. may nakita akong code pero 925 po, yellow gold po. anu pong karat un?
- HINDI PO GOLD ANG NABILI NYU, WALA PONG 925 SA GOLD... 925 IS CODE ENGRAVED NA MAKIKITA LAMANG SA MGA SILVER CHARMS. ANG SILVER PO AY HINDI NAISASANLA..
( Update natin tong caption : Meron din namang alahas na walang hallmark pero gold kadalasan Low karat like 8k ,10k, 12k ) mga sinaunang ginto 👌
thank u so much po...!
CTTO