07/11/2019
Para sa mga taga Ilo-Ilo
PANAWAGAN ng isang kapwa OFW para sa kanyang inang matagal na nyang hindi nakikita.
Ako po si ELLEN TAPGOS TABAYA, kasalukuyang ngtatrabaho dito sa bansang Kuwait. Hinahanap ko po si MILAGROSA TAPGOS TABAYA o kilala po sya sa tawag na INDAY MAYA ng mga kamaganak, kaibgan at mga kakilala. Ipinanganak sya taong 1963 sa isang lugar sa TUBUNGAN, ILOILO. Anak po sya ni Emiliana Tapgos at may kambal po sya na si Salvacion Tapgos Tapitan sa ngayon.
28 years na pong di ko sya nakita, 1 1/2 years old pa lang po ako ng iwan nya kami ng mga kapatid ko. 3 po kaming mgkakapatid at ako ang bunso. May ibang pamilya na po ang tatay ko. Naglakas loob na po akong hanapin sya dahil po ang lola ko ay hinahanap sya matanda na ito at marami ng nararamdamn dahil sa katandaan. Last po na balita ko last 2003 ng nasa probinsya pa po ako sa Mindanao. Sumulat po ako ky ex Mayor Pedro Tagabi ng iloilo dahil nabalitaan kong nagpadala siya ng sulat dito dahil kakilala daw po ng lola ko yun pero isang anak nyang teacher ang nakatanggap ng sulat ko at tinawagan ako na di daw sila nakabisita sa tatay nya sa bundok di ko din po matandaan pangalan nya. Isang kmag anak lng nya ang sinabi na kilala ng lola ko nun si Iyay Piling Tabion sa Tubungan, iloilo. Sana po matulungan nyo ako na kahit boses nya na lang marinig ko sa ngayon masaya na po ako at magkaroon ng pag asang makita ko pa ang aking ina. Di ko po alam kung buhay pa sya, pero ako'y umaasa pa din.
Sa mga maaaring nakakailala kay Milagrosa Tapgos Tabaya o sa kanyang malapit na kamaganak, maari pong tumawag o mag text sa mga numerong ito:
Agnes Tabaya 09393612641
Antonia Tacayon 09095002833
Ellen Tabaya +96555813667
o mag message sa FB account ni Ellen Tapgos Tabaya sa link na ito:
https://www.facebook.com/lenzk3
Tulungan po natin si kabayang ELLEN TAPGOS TABAYA na makapiling muli ang kanyang ina sa pamamagitan ng pag share ng post na ito.
Silver