15/05/2026
Jesus Christ Alpha Omega Church Ministry Int'l
Dahil kapag umakyat ka sa pulpito, hindi na simpleng opinyon ang dala mo—Salita ng Diyos na ang hawak mo.
“At huwag maging g**o ang marami sa inyo, mga kapatid ko, sapagkat alam ninyong tayong nagtuturo ay hahatulan nang mas mabigat.”
— Santiago 3:1
Kaya tigilan natin ang linyang:
“Wag kayong tumingin sa tao.”
Oo, tao lang ang pastor. Hindi perpekto. Nagkakamali rin.
Pero kapag ikaw ang nangangaral ng kabanalan, katotohanan, katapatan, at takot sa Diyos—natural lang na titingnan ng tao kung nilalakad mo ba ang ipinapangaral mo.
“Sapagkat ikaw na nagtuturo sa iba, hindi mo tinuturuan ang iyong sarili?”
— Roma 2:21
“Huwag sa salita lamang… kundi maging halimbawa ka sa pananalita, pamumuhay, pag-ibig, pananampalataya, at kalinisan.”
— 1 Timoteo 4:12
Hindi dahil iniidolo ka nila.
Kundi dahil ang pulpito ay hindi entablado ng drama—ito ay lugar ng pananagutan.
“Sapagkat ang labi ng saserdote ay dapat mag-ingat ng kaalaman… dahil siya ang sugo ng Panginoon.”
— Malakias 2:7
Pero mabigat din ang babala ng Diyos:
“Ngunit kayo’y lumihis sa daan; marami ang inyong pinatisod.”
— Malakias 2:8
May malalakas mangaral ng repentance pero lihim na namumuhay sa compromise.
May matapang sa mikropono pero tiklop sa katotohanan.
May malalim magturo ng loyalty pero sila mismo ang unang bumibitaw sa unity.
Ang problema, kapag mali ang buhay ng nasa pulpito, maraming mahihina ang nadadapa.
“Kayo’y asin ng lupa… ngunit kapag nawalan ng alat, wala na itong kabuluhan.”
— Mateo 5:13
Kaya bago ka humawak ng mikropono, siguraduhin mong handa ka ring humawak ng accountability.
“Huwag tayong magmahal sa salita lamang, kundi sa gawa at katotohanan.”
— 1 Juan 3:18
Hindi sapat na magaling magsalita.
Ang tunay na pangangaral ay may kasamang buhay na may bunga.
🔥 Ang pulpito ay hindi proteksyon laban sa criticism.
Mas lalo itong naglalagay sa’yo sa ilalim ng liwanag ng Diyos. 🔥