24/03/2026
Bakit bumababa ang presyo ng gold ngayon eh sabi ko tumataas ang presyo nito habang tumatagal?
Sagot: Napapansin ng marami na bumababa ang presyo ng gold ngayon, kahit may geopolitical tensions tulad ng Iran–U.S. situation.
Sa financial markets, hindi lang iisang factor ang nagdidikta ng galaw ng gold. Sa ngayon, mas nangingibabaw ang mataas na interest rates at malakas na U.S. dollar.
Kapag mataas ang interest rates, mas pinipili ng investors ang may yield gaya ng bonds. Samantala, kapag malakas ang dollar, nagiging mas mahal ang gold para sa ibang bansa, kaya humihina ang demand—na nagdudulot ng pagbaba ng presyo.
Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang gold ay isang LONG-TERM ASSET. Natural lang na magkaroon ito ng short-term fluctuations.
Para sa mga nakabili ng mas mataas na presyo, hindi ito dapat ikabahala. Ang pagbaba ngayon ay bahagi lamang ng normal market cycle. Historically, ang gold ay patuloy na tumataas ang value sa paglipas ng panahon, lalo na bilang hedge laban sa inflation at economic uncertainty.
Minsan, ang tamang strategy ay hindi agad pagbenta, kundi patience. Hold muna at hayaan ang market na mag-correct. Sa tamang panahon, bumabawi rin ang value ng gold.